Linggo, Enero 24, 2016

Dear CRUSH

Dear CRUSH,
Maybe it was the right time for me to give up and to distance myself. Alam mo kasi, sobrang sakit na... 'di na kaya ng puso ko! Nakaka-ubos ng luha ang ibigin ka, sobrang nakakapanghina. Sobrang sakit, nagmumukha akong tanga. I think it's time for me to let go.... Someday, I know that I will find someone who would love me so true! But don't worry, I won't stop loving you! Hinding-hindi ako titigil na MAHALIN ka.... Iiwasan kita pero hindi ibig sabihin nun hindi na kita mahal. Iiwas lang naman ako eh, pero IPAGPAPATULOY ko pa rin ang PAGMAMAHAL ko sa'yo, kahit sa MALAYO!
Sobrang nawawalan na ako ng PAG-ASA, ayoko ng mag-ilusyon pa at tuturuan ko ang sariling MAKALIMOT. Para sa'kin hanggang PANAGINIP ka na lang... 'Yon bang na-aabot ko lang ang paghahangad ko sa'yo, kung IPIPIKIT ko ang aking mga MATA! Ang sakit diba? Pero okey lang. Ganyan talaga ang buhay!

Sobrang sakit lang kasi... Alam ko balang araw, darating din yong tamang tao para sa'kin, yong kaya akong mahalin higit pa sa pagmamahal na kaya kong ibigay. Ayoko ng UMASA at MAGPAKATANGA! Alam ko namang malabong makalimutan kita... pero susubukan ko lang, pipilitin kong iwasan ka.... para kahit papa'no hindi na ganu'n ka hapdi yong sugat. Sana maging masaya ka, yon lang naman 'yong hiling ng puso ko. If only I could turn back time, babalik ako sa mga panahong hindi pa kita mahal.... para ma-agapan ko pa at para 'di pa ganun ka lalim yong pagmamahal ko sa'yo. At ng di na ako NASASAKTAN! Siguro magbabago ang lahat... para sa'yo AKO na lang ang IIWAS! Totoo nga pala na ang talagang makakapagpasaya sa'tin ay 'yong taong naging dahilan kung bakit tayo malungkot. Pero alam ko balang araw magiging okey din ang lahat... magiging masaya din ako! Kasi naniniwala ako na kung merong RAINBOW after the RAIN... meron ding HAPPINESS after the PAIN. Balang araw gagaling din yong sakit at maghihilom din yong sugat. Life goes on.... ma-aaring nasasaktan ako ngayon, pero tuloy pa rin ang ikot ng mundo! Alam ko balang araw makakaMOVE-ON din ako! Ganito pala pag sobrang mahal mo 'yong isang tao nuh? 'Yong gusto mo lagi syang safe kahit hindi kayo magkasama. 'Yong point na mas IMPORTANTE 'yong MAHAL mo kesa sa SARILI mo. Hindi ako naniniwala na kapag nagmahal ka dapat nagtitira ka sa sarili mo..... kasi kung mahal mo TALAGA ang isang tao, you will give your all... everything rather! LAHAT2x para sa huli WALA kang PAGSISIHAN.

Uhmm... Jek, I can't thank you enough for all the thing's you have done... All I can say is that the relationship we've shared was more than I could bargain for. I've learned the fact that we are not meant to be and the only way out is letting go... I do this with a heavy heart and a deep feeling of devastation. Para sa'yo ako na lang ang BIBITAW! Sorry og salamat sa tanan.... unta dili ko nimo malimtan. May aaminin ako, hindi lang kita CRUSH.... uhmm kasi, MAHAL na MAHAL na MAHAL kita.... I LOVE YOU! Thank you for everything and I am so sorry for all the mis-understandings and harsh word's said things and done! Tandaan mo, sa PUSO ko IKAW lang talaga!

Lovingly yours,

→ DONGKOY

Dear CRUSH

Dear CRUSH,

Iba ako kung magmahal......

Kasi kahit alam kung ako lang 'yong nagmamahal, hinding-hindi ako magsasawang mahalin s'ya.... Kahit alam kung hindi nya masusuklian yong pagmamahal ko, mapangiti ko lang sya.... SAPAT na. Sa LOVE kasi, hindi porke't mahal mo sya... kailangan mahalin ka rin nya pabalik..... Lahat tayo may karapatang magmahal.... pero hindi ibig sabihin nun, na kailangan ipilit natin ang mga sarili natin na mahalin yong taong hindi naman talaga natin mahal...... Kaya ako? Makukuntento na ako na hanggang ngitian at hanggang KAIBIGAN na lang.... Masakit..... Oo..... Syempre.... Sobrang SAKIT. Pero dahil mahal ko sya, SAPAT na sa'kin na makita syang MASAYA! Sa LOVE kasi, kung ano yong kaya mong ibigay sa taong mahal mo..... Ibuhos mo na lahat... Pero huwag kang hihingi ng kahit ano mang kapalit....dahil kung talagang nagmamahal ka, makukuntento ka na kahit pa ngiti lang ang ma-ibibigay nya..... Kaya sa mga taong tulad ko na nagmamahal din ng patago... Sabihin mo na sa taong mahal mo na MAHAL na MAHAL mo sya.... Habang may PAGKAKATAON ka pa iparamdam mo sa kanya kung ga'no sya kahalaga..... Wag mong isipin yong magiging reaksyon nya.... ang importante, nasabi mong MAHAL mo sya. Sabi nga nila, mas nakakagaan sa pakiramdam na balikan yong ala-alang kahit papa'no naging bahagi sya ng buhay mo..... MAGALIT man sya sayo dahil sinabi mong mahal mo sya, okey lang yon....... Dahil atleast nasabi m yong tunay mong nadarama...... Mas masarap parin isipin na kahit papa'no may nabuo kayong masasayang ALA-ALA. At mas ma-inam na sinabi mo sa kanya kung ga'no sya KAHALAGA, kesa bumuntong hininga ka na punong-puno ng PAGSISISI. Sabi ko nga sa sarili ko..... Kung hindi nya ako kayang mahalin...... Edi ako na lang yong MAGMAMAHAL sa kanya..... MAMAHALIN ko sya in my OWN way. Sabi ko nga rin, hindi ko man sya pwedeng HALIKAN, HAGKAN at YAKAPIN...... Atleast kahit papa'no pwede ko syang MAHALIN. MAHALIN ng MAHALIN at MAHALIN pa ulit!

→ DONGKOY

Dear CRUSH

Dear CRUSH,

Hi! Uhmm... Hindi tayo ganu'n ka close, pero nagngingitian tayo. Kung Alam mo lang, isa ka sa mga dahilan kung bakit nagpupursige ako at ikaw rin ang nagsisilbing insperasyon ko. Aaminin ko, MAHAL na yata kita eh, as in#‎MAHAL na mahal. Hindi mo man masuklian ang pagmamahal na alay ko, tanggap ko naman 'yon eh. Kahit may iba ka ng MINAMAHAL, masaya ako para sa'yo. (kahit ang totoo, masakit... hihi!) Hindi man maging tayo, sapat na sa'kin na makita kang nakangiti at masaya sa piling ng mahal mo. (WALANG FOREVER, maghihiwalay din kayo.... ‪#‎joke‬ hindi ako bitter nuh, nyahaha. choss!) Masaya ako para sa'yo. ( #‎plastic‬ hahah) Ganun naman talaga eh, when you love someone.... all you want for them is to be happy, even if it's not with you!

Ganun talaga sa LOVE, minsan kasi 'yong mga taong mahal natin may puso din sila na marunong magmahal. Hindi lang naman kasi ikaw ang pwedeng magmahal, kasi yong taong mahal mo may karapatan ding magmahal. (malas mo lang dahil hindi ikaw yong mahal nya.) Pero ako? Kahit pa Hindi niya mapantayan o masuklian man lang ang pag-ibig na kaya kong ibigay, mamahalin ko pa rin s'ya in my OWN way! Ganun naman kasi talaga sa PAG-IBIG, kung tunay 'yong pag-ibig mo..... hinding-hindi ka mapapagod na mahalin sya. Kahit pa alam mo sa sarili mo na ikaw lang 'yong nagmamahal! Kahit pa hindi ko sya pwedeng makasama at kahit pa hindi ko sya pwedeng halikan, hagkan at yakapin, at least kahit papa'no.... pwede ko s'yang mahalin, mahalin ng mahalin at mahalin pa ulit.

DONGKOY

Dear CRUSH

Dear CRUSH,

'Yong point lang na.... GUSTO kong UMIWAS sa kanya, pero 'di ko MAGAWA! Kasi s'ya lang 'yong taong nakakapagbigay NGITI sa akin sa mga panahong NAKAKALIMUTAN ko ng TUMAWA. Siya lang 'yong taong nakakapagbigay SIGLA sa mga panahong hindi ko na alam kung pa'no ang SUMAYA. Sa mga panahong ako ay NALULUNGKOT at NAG-IISA.... s'ya lang 'yong taong kayang PAWIIN ang LUMBAY na aking NADARAMA. Sa kabila ng KIROT at HAPDI sa 'PUSO' na DULOT ng 'PAGMAMAHAL' ko sa KANYA.... s'ya pa rin 'yong ISA sa mga DAHILAN kung bakit ako NABUBUHAY pa.

→ DONGKOY