Linggo, Oktubre 11, 2015

Ang Karanasang Hindi Ko Malilimutan

"Ang Karanasang Hindi Ko Malilimutan"


Essay written by; Junrey Casirayan

Minsan may mga karanasang nananatili sa ating puso at sa ating isipan.'Yong puntong pilit man nating iniiwasan ay talagang hindi na natin makalimutan. Ito ang ibabahagi ko sa inyo, ang aking karanasang nakatatak na sa aking isipan.

Ang pagkawala ng aking AMA ang karanasang hindi ko malilimutan. Mula nu'ng mawala ang aking AMA ay halos gumuho ang mundo ko, unti-unti akong nawalan ng ganang mag-aral. Dahil sa nangyaring yon, tumigil ako sa pag-aaral at naglaho lahat ang aking mga pangarap. Nahinto at naputol ang mga pangarap ko, hindi ko kinaya ang pagsubok na yon at sumuko ako. Totoo nga pala talaga ang sinasabi nila na kung kailan nawala sa'yo ang isang bagay ay saka mo pa ma-iisip kung gaano ito kahalaga para sa'yo. Kapag kasi nandyan pa silang nagmamahal, kadalasan ay hindi natin nakikita at hindi natin nabibigyang halaga ang pagsasakripisyo at ang pagmamahal nila. Ngunit kung kailan wala na sila, saka pa natin hahanap-hanapin ang mga ito. Sobrang sakit ang naramdaman ko ng mawala si PAPA, pakiramdam ko nu'ng mga panahong yon nag-iisa na lang ako, walang karamay at walang masasandalan. Siguro nga di ko na-ipadama sa kanya na mahalaga s'ya sa'kin, pero ngayon nagsisisi ako at nanghihinayang na di ko man lang nasabi sa kanya kung ga'no ko sya ka MAHAL. Sa lahat ng mga naging karanasan ko, natuto akong mas maging matatag, mas positibo at mas maging matapang. Hindi na maibabalik pa ang mga panahong lumipas, siguro nga hindi na pwede pang ibalik ang buhay ng aking AMA. Pero okey na rin yon, dahil sa pagkawala niya, mas tumibay ang puso ko.

Ang bawat karanasan ng isang tao ay hindi pare-pareho. Minsan masaya, minsan naman puro kalungkutan na lang. Ngunit kahit ganun ay ang ating mga karanasan pa rin ang nagbibigay sa'tin ng lakas upang harapin ang bawat bukas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento