Lunes, Agosto 10, 2015

Ang Pagbabagong Gagawin Ko sa Aking SARILI

''Ang Pagbabagong Gagawin Ko sa Aking SARILI''
                       ESSAY written by; JUNREY CASIRAYAN                   
                Bawat isa sa atin ay may kakayahang baguhin ang ating sarili, pagbabagong inaasam ng karamihan at ninanais makamtan. Sabi nila kung gusto mo daw ng pagbabago umpisahan mo daw sa sarili mo. Pero huwag mong baguhin ang sarili mo para sa ibang tao, magbago ka para sa sarili mo mismo.
               Ako si JUNREY BALDESCO CASIRAYAN, isang taong dating lugmok at halos durog na durog. Pero ngayon unti-unti ko ng binubuo ang sarili ko. Noon sobrang laki ng galit ko sa mundo, sa mga taong nakapaligid sa'kin at lalong-lalo na sa sarili ko. Napakaliit kasi ng pagtingin ko sa'king sarili, lagi kong iniisip na heto lang ako nasa ibaba at walang maipagmamalaki. Dati halos gusto kong mawala na lang na parang bula at biglang maglaho. Hindi ako perpektong tao, marami akong nagawang pagkakamali at mga maling desisyon sa buhay. Ngunit sa lahat ng maling desisyon ko marami akong natutunan. Sa pagdaan ng mga araw at sa paglipas ng panahon natutunan kong pahalagahan ang sarili ko. Maiksi lang ang buhay kaya bakit ko sasayangin? Ngayon ang gusto kong pagbabago ay makapagtapos ng pag-aaral upang mapatunayan sa lahat na kaya kong abutin ang aking mga pangarap at kaya kong kamtin ang tagumpay. Nais kong baguhin ang sarili ko na mas maging matapang, mas matatag at mas positibo sa buhay.
          Noon pilit kong iniiwasan ang mga pagsubok, pero ngayon na-isip ko na hindi dapat tinatakasan ang mga ito. Dahil habang pilit natin itong tatakbuhan mas lalo langtayong susubukin ng kapalarankailangan nating harapin ang bawat hamon, yan lang ang tanging paraan. Sa pagharap nito ma-aari tayong magtagumpay o masawi, pero kahit tagumpay pa ang resulta o kasawian, ang importante ay meron tayong natutunan. Kung dati halos nadurog ako, ngayon gusto ko na ng pagbabagoBabangon ako at unti-unti kong bubuoin ang sarili ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento