"Kung Papalarin kang Makapasa sa A & E Test Ano Ang Susunod Mong Gagawin?"
ESSAY written by; JUNREY CASIRAYAN
Lahat ng tao ay may kanya-kanyang hangarin at may iba't-ibang pangarap na naismarating. Tayong lahat ay may iba't-ibang mithiin na pilit inaabot. Ano nga ba ang susunod konghakbang o gagawin kapag ako ay papalaring makapasa sa darating na A&E Test?
Kung sakali mang ako ay isa sa mga mapalad na makakapasa ngayong darating na A&Etest ay labis ko itong ikatutuwa. Kapag ako ay papalaring makapasa, gagawin ko ang lahat at hindi ko na papalampasin pa ang ibinigay na pangalawang pagkakataon na makapag-aral muli at ma-ipagpatuloy ang nahinto kong mga pangarap. Magsusumikap ako at pag-iigihan kong mabuti ng sa ganun ay makamit ko ang hinahangad na tagumpay. Mag-aaral ako ng mabuti upang makapagtapos at upang kahit papa'no ay makahanap ng magandang trabaho. Mag-pupursige ako upang pagdating ng panahon ay mayro'n na akong ma-ipagmamalaki at upang kahit papa'no ay may ma-iaambag na karagdagang tulong sa aking pamilya.
Marami na akong mga pagsubok na hinarap, sa lahat ng mga pinagdaanan kong hirap ay marami rin akong natutunan. Ang bawat hamon na sumubok sa katatagan ko ay aking nalampasan at napagtagumpayan. Kaya heto ako ngayon, nagsusumikap upang mapatunayan sa lahat na walang imposible kung may pagpupursige. Ang isang bagay ay hindi mo basta-bastang makakamit, ito ay pinaghihirapan, pinagsasakripisyohan at nangangailangan ng ibayong pagsisikap. Kapag nakapasa na ako sa darating na A&E Test ay hindi ko rin kakalimutang magpasalamat sa ating PANGINOONna siyang nagsisilbing gabay ko sa lahat ng oras at sa bawat sandali. Magpapasalamat din ako sa aking pamilya na siyang pinagkukunan ko ng lakas at insperasyon.
Ang lahat ng tao ay dumaranas ng bagyo, baha o kung ano mang dagok o mga pagsubok sa buhay. Pero kung matapang mong susu-ongin ang lahat, hindi malayong darating din angtagumpay. Maniwala ka lang na kaya mo at hintayin ang bunga ng iyong mga pagsisikap.
Ang lahat ng tao ay dumaranas ng bagyo, baha o kung ano mang dagok o mga pagsubok sa buhay. Pero kung matapang mong susu-ongin ang lahat, hindi malayong darating din angtagumpay. Maniwala ka lang na kaya mo at hintayin ang bunga ng iyong mga pagsisikap.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento